
- ECONOMY
- HEALTH
-
WOMEN FAMILY
& CHILDREN - GOVT. TRANSPARENCY





















Maging Kaisa ni RISA!

Pabor ang OFW na si Winwin Labayne sa Universal Healthcare Act dahil nakinabang na dito ang
kanyang nanay na inoperahan sa mata noon. Nais rin daw ni Winwin na marami pang katulad niya ang
makinabang sa batas na ito dahil malaki ang naitutulong nito sa mga gastusin sa ospital.
“Being a Philhealth and Social Security contributor since I was 18, I am not against the increased rate for
OFWs. I am actually in favor of the Universal Health Care Act. I am very open-minded to accept change,
for a new system and willing to help.”

Nagsimulang sumama sa Barangay First 1,000 Days Program na saklaw ng Kalusugan at Nutrisyon ng
Mag-Nanay Act si Mommy Lyn noong nagkaroon na siya ng pangatlong anak. Sumali daw siya sa
programa noong mapagtanto niyang marami pa siyang hindi alam tungkol sa tamang nutrisyon.
Ang pinakamahalaga raw niyang natutunan sa programa ay kung gaano kaganda ang exclusive
breastfeeding para sa kanyang anak. Malaki raw ang pasasalamat ni Mommy Lyn sa programa dahil mas
magiging healthy na ang kanyang pangatlong anak.
“I learned so much because of BF1KD… I am thankful for being part of the program. It really helped me a
lot.”

Salamat sa 4Ps, lalo na sa Expanded Students’ Grant-In-Aid Program, at natupad ni Mariemel ang
pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral at maging isang guro. Dahil tricycle driver at simpleng
maybahay lang ang kanyang nanay, napasama daw sila sa 4Ps noong elementary palang si Mariemel.
Dahil daw sa tulong na ito ay naitawid niya ang kanyang pag-aaral at naabot ang kanyang mga pangarap.
“As a member or beneficiary of Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), I can say that it is really a big
help for the in need families especially for the children in their studies. I am thankful to be part of the
program. I am proud to be 4Ps beneficiary.”

Sa edad na 73 ay kinakailangan ni nanay Minerva ng maintenance para sa kanyang high blood, pero may
mga panahon na napipilitan siyang isawalang bahala na muna ang pag inom ng gamot dahil sa
kakapusan. Kaya naman laking pasasalamat ni Nanay Minerva dahil napababa ang presyo ng mga
gamot sa pamamagitan ng Cheaper Medicines Act at na mamaintain niya na ang pag inom ng gamot
“Nagpapasalamat po ako dahil na implement po itong pagbaba ng gamot. Pabor na pabor po ito sa aming
mahihirap na halos hindi na kami makabili. Minsan nalalakdawan namin ang pagbili dahil sa mahal.
Natutuwa po kami dahilnakakabili kami ng gamit ng para sa maintenance namin.”

Bilang batang lumaki sa kanyang lolo’t lola, nagpapasalamat si Jeremy na may Anti-hospital deposit law
na mag sisigurong seserbisyohan sila sakaling kailanganin na sugurin ang kanyang kamag-anak sa
ospital at na hindi muna aalalahanin ang pagsingil ng deposit.
“Alam naman nating kapag may edad na, kailangan nating maging handa sakaling may mangyaring
masama. Kaya nakakagaan ng loob na hindi ako mag-aalinlangang humingi ng tulong medikal sa mga
ospital kahit na wala akong pang initial deposit”

Bilang miyembro ng LGBTQ+, nagpapasalamat si VJ sa pagpasa ng RA 11166 dahil sa pamamagitan
nito ay magiging accessible ang mga serbisyo para ma manage ang HIV at mapapalakas din ang
pagpapalaganap ng edukasyon tungkol sa pag iwas at pag manage ng HIV/AIDS
“Hindi natin mapreprevent ang engagement sa sex pero mapreprevent natin ang paglaganap ng HIV sa
Pilipinas sa pamamagitan ng tamang edukasyon, paggamit ng condom, at regular na pagpapa test.”

Laking pasalamat ni Mark Angelo Vaflor sa Mental Health Law. Sa sobrang mahal ng therapy at
medications sa Pilipinas, laking ginhawa para sa mga kagaya niya ang batas na ito. Konti lang din ang
ospital na nag ooffer ng libreng mental related consultations/check ups at gumagastos siya ng 2k-3k para
sa 30-60 na piraso ng gamot, umokay lang siya. Aniya, hindi napagtutuunan ng pansin ang mental health
kaya sana hindi ito ang una’t huling batas ukol dito.
“Salamat sa RA 11036 or ang Mental Health Act (Authored by Mam Riza Hontiveros) na naglalayong
protektahan at pangalagaan ang mga taong-nagsa-suffer sa mental illnesses. Kauna-unahang batas
tungkol sa mental health, at sana hindi ito ang huli.”

Tuwang-tuwa si Jovy ng malamang mapaparusahan na ang mga nambabastos sa kalye. Talamak ang
mga kalalakihang nambabastos sa kanilang kalye at kamakailan lang ay may nabiktima itong 3 babae.
Agad itong nilang isinuplong sa pulisya at kaagad naman ding nahuli ang mga lalaki.
“Next time magsiayos kayo mga kol. Hindi sa lahat ng panahon makakalusot kayo.”

2020 ng malaman ni Marie Robles na tumigil na sa pagbayad sa PhilHealth ang kanyang Tita na isang
PWD dahil sa hirap ng buhay. Good news para sa kanila ang Mandatory PhilHealth Coverage for all
PWDs dahil hindi na kailangan mag alala ang kanyang tita sa mga gastusing medikal dahil sagot na ito
ng PhilHealth.
“This Mandatory PhilHealth Coverage for all PWD is such a great help lalo na sa katulad ng tita ko na
tumigil na sa pagbabayad dahil sa kakulangan sa budget. It’s nice to know na pinapahalagahan sila ng
ating gobyerno”

ECONOMY





HEALTH








WOMEN FAMILY & CHILDREN





GOVT. TRANSPARENCY


