click on to view each region where the Mobile Health Clinic has visited
you may view all the cities under each region by clicking on the dropdown
I-click ang location buttons para sa ibang lugar
Cordillera CAR
baguio City
ANG HEALTHY PINAS MOBILE CLINIC, UMAARANGKADA SA BUONG BANSA!
Walang sulok na maiiwan sa pag-iikot ng Mobile Clinic! Kaya pati ang Cordillera Administrative Region, inabot ng Healthy Pinas Van! Sa arangkadang ito ng Mobile Clinic, mas nailapit pa sa maraming Pilipino ang healthy buhay.
Cagayan valley Region II
ANG HEALTHY PINAS MOBILE CLINIC, UMAARANGKADA SA BUONG BANSA!
Bawat sulok ng Pilipinas, abot! Kaya hindi rin pinalampas ng Mobile Clinic ang ilang lugar sa Region 2 para magdala ng libreng tulong medikal gaya ng libreng konsulta, gamot, at laboratory procedures. Dapat all healthy!
Ilocos Region region i
ANG HEALTHY PINAS MOBILE CLINIC, UMAARANGKADA SA BUONG BANSA!
Maraming lugar sa Norte ang malayo sa mga pagamutan na may karampatang pasilidad. Kaya naman malaking bagay na nakadayo dito ang Healthy Pinas Mobile Clinic para maghatid ng libreng tulong medikal.
central luzon Region III
ANG HEALTHY PINAS MOBILE CLINIC, UMAARANGKADA SA BUONG BANSA!
Central Luzon ang isa sa mga unang dinayo ng unang arangkada ang Mobile Clinic. Kaya naman buena mano talaga ang marami nating kababayan sa mga probinsya dito sa libreng medical services ng Healthy Pinas Van!
Metro Manila NCR
ANG HEALTHY PINAS MOBILE CLINIC, UMAARANGKADA SA BUONG BANSA!
Kahit maraming pagamutan sa NCR, marami pa ring dumulog sa Mobile Clinic para sa libreng tulong medikal. Ito ay dala ng takot na mahawahan ng sakit kung pipila ng mahaba sa mga ospital. Kaya naman masaya ang Healthy Pinas Van na mas nailapit nila sa mga Pilipino ang mabuting kalusugan.
calabarzon region IV
ANG HEALTHY PINAS MOBILE CLINIC, UMAARANGKADA SA BUONG BANSA!
Marami-rami ring mga probinsya at barangay ang naikot ng Mobile Clinic dito. Isa rin sa pinakamahalagang nitong arangkada sa Region 4 ay ang medical mission para sa mga nasalanta ng Bulkang Taal sa Batangas.
bicol region region V
ANG HEALTHY PINAS MOBILE CLINIC, UMAARANGKADA SA BUONG BANSA!
Binati nang mainit na pagtanggap at pasasalamat ang Healthy Pinas Van sa Region 5. Maraming taga-rito ang masayang nakakuha ng libreng tulong medikal na mas nagbigay sa kanila ng kapanatagan.
eastern visayas region VIII
ANG HEALTHY PINAS MOBILE CLINIC, UMAARANGKADA SA BUONG BANSA!
Umarangkada rin sa Samar at Leyte ang Mobile Clinic kung saan nakapagdala ito ng libreng tulong medikal sa mga Waraynon! Nagtuno ang van sa Palo at Tacloban, Leyte. Pati na rin sa Catbalogan, Paranas, at Calbayog sa Samar.
Western Visayas Region VI
ANG HEALTHY PINAS MOBILE CLINIC, UMAARANGKADA SA BUONG BANSA!
Sa pagtawid ng Mobile Clinic sa Visayas, mas marami pang mga Pilipino ang naabot ng libreng tulong medikal. Ilan sa mga pinuntahan ng Healthy Pinas Van sa Region 6 ay ang mga probinsya ng Iloilo, Negros Occidental, Capiz, Antique, at Guimaras.
Central Visayas region VII
ANG HEALTHY PINAS MOBILE CLINIC, UMAARANGKADA SA BUONG BANSA!
Masayang naghatid ng libreng tulong medikal ang Healthy Pinas Van sa Region 7. Napakarami nitong naikot na mga lugar sa rehiyon, lalo na sa Cebu kung saan mainit na tinanggap ng mga Cebuano ang mga libreng serbisyo ng Mobile Clinic.
Mimaropa region IV
ANG HEALTHY PINAS MOBILE CLINIC, UMAARANGKADA SA BUONG BANSA!
Marami-rami ring mga probinsya at barangay ang naikot ng Mobile Clinic dito. Isa rin sa pinakamahalagang nitong arangkada sa Region 4 ay ang medical mission para sa mga nasalanta ng Bulkang Taal sa Batangas.
Caraga region XIII
ANG HEALTHY PINAS MOBILE CLINIC, UMAARANGKADA SA BUONG BANSA!
Isa ring memorableng arangkada ng Mobile Clinic ang pagdalaw nito sa Caraga Region. Muling sumama si Senator Risa sa pag-iikot ng Healthy Pinas van sa Agusan del Sur kung saan mainit siyang tinanggap pati na rin ang libreng services ng Mobile Clinic.
Davao Region region XI
ANG HEALTHY PINAS MOBILE CLINIC, UMAARANGKADA SA BUONG BANSA!
Naabot rin ng Healthy Pinas Van ang rehiyon ng Davao! Naka-ikot ang Mobile Clinic sa mga bayan sa Davao at masigasig na nakapagserbisyo sa mga Davaoeno
Northern Mindanao region X
ANG HEALTHY PINAS MOBILE CLINIC, UMAARANGKADA SA BUONG BANSA!
Nakarating rin ng Lanao del Norte at Misamis Oriental ang Mobile Clinic natin! Masayang umarangkada ang Healthy Pinas Van sa iba’t-ibang bayan sa mga probinsyang ito para magbigay ng libreng medical services for all.
SOCCSKSARGEN region XII
General Santos
ANG HEALTHY PINAS MOBILE CLINIC, UMAARANGKADA SA BUONG BANSA!
Espesyal ang naging arangkada ng Mobile Clinic sa SOCCSKARGEN dahil personal na sumama si Senator Risa Hontiveros sa pagbisita ng van sa General Santos City! Marami rin tayong mga kababayan na nakakuha ng libreng tulong medikal sa lungsod.
Zamboanga Peninsula Region IX
ZAMBOANGA DEL SUR - Lakewood
ANG HEALTHY PINAS MOBILE CLINIC, UMAARANGKADA SA BUONG BANSA!
Sa pagtawid ng Mobile Clinic sa Western Mindanao, mas lalo nitong pinagtibay ang pangako ng Healthy Pinas para sa lahat. Dumayo ang Mobile Clinic sa Zamboanga Del Sur para magpaabot ng libreng gamot, check-up, at laboratory procedures.